DHL X Coldplay

ANG  GREEN AY
NAGSISIMULA SA YELLOW

Nang ginawang layunin ng Coldplay na gawing low-carbon ang kanilang tour hangga't maaari, kailangan nilang makahanap ng partner na may kakayahan sa mga solusyon sa logistics na hindi nakakasama sa kapaligiran.

Iyan ang dahilan kung bahin pinili ng Coldplay ang DHL bilang Official Logistics Partner para sa kanilang Music Of The Spheres World Tour.

Ipininagmamalaki ng DHL na samahan ang Coldplay bilang kanilang Official Logistics Partner, at susuportahan nito ang banda sa kanilang layunin na bawasan ang kanilang emisyon ng carbon ng higit sa 50% - na magbibigay sa iyo ng tour na green… at yellow.

PAGBIBIGAY NG MAGAGANDANG MUSIKA NANG HINDI NAKAKASAMA SA KAPALIGIRAN

Noong gustong mag-tour ng isa sa mga nangungunang banda sa buong mundo nang hindi nakakasama sa kapaligiran, humingi sila ng tulong sa nangungunang provider ng logistics sa buong mundo.

Sa tulong ng karanasan ng DHL sa mga solusyon sa logistics na hindi nakakasama sa kapaligiran, nagawa naming ialok sa Coldplay ang multi-faceted na paraan upang mabawasan ang emisyon ng CO2 ng tour.

Ito man ay ang pagbabawas ng mga emisyon sa kargamento sa pamamagitan ng paggamit ng mga advanced biofuel, paglalagay ng fleet ng mga dekuryenteng sasakyan at trak na pinapatakbo ng organi na basura, o pagkansela ng mga emisyon na carbon sa buong supply chain namin, binibigyan ng aming GoGreen Plus Service ang banda ng mga makabagong solusyon ubang mabawasan ang mga epekto sa kapaligiran ng pagto-tour.

Mas sustainable na inuugnay ang milyon-milyong fans gamit ang isang (wrist)band

Importante ang bawat detalye para gawing mas sustainable ang isang global event tulad ng World Tour ng Coldplay, kahit ang logistics ng mga wristband.

Ang iconic na LED wristband, isa sa mga highlight ng bawat show ng Coldplay, ay may ilaw na ginagawang bahagi ng napakagandang stadium na 'full of stars' ang bawat fan.​

Gawa mula sa plant-based, nabubulok na materyal, ang mga wristband na ito ay 100% na pwedeng gamitin at i-recycle muli. Aktibong tumutulong ang mga fan para gawing mas sustainable sa pamamagitan ng pagsauli sa mga wristband pagkatapos ng show.

Sa average, higit sa 86% ng mga wristband ang isinasauli. Na kinukuha ng DHL at idini-deliver sa pinaka-sustainable na paraan. Kasama dito ang paggamit ng advanced biofuels tulad ng SAF (Sustainable Aviation Fuel), at mga sasakyang gumagamit ng renewable fuel.​

'Yan ang dahilan kung bakit ang bawat wristband ay may DHL logo, dahil proud kaming ibigay ang unique na karanasan na ito sa mga fan sa mas sustainable na paraan.

I-perfect ang #WristbandQuiz para makapunta sa a Coldplay concert!

Mga Venue at mga Nanalo

VenueNanalo
AthensΝεκταρία A.
BucharestAlexandra T.
BudapestPanna C.
LyonÉlodie S.
RomeMargareta P.
DüsseldorfMira G.
HelsinkiMona W.
ViennaMagdalena R.
DublinAmy B.
MelbournePending ang raffle.
SydneyPending ang raffle.
AucklandPending ang raffle.

NAGBIBIGAY NG LIVE NA MUSIKA SA BUONG MUNDO

Susuportahan ng DHL ang Coldplay para sa buong Music Of The Spheres World Tour nila, na tutulungan ang banda na makarating mula sa A patungo sa X&Y hanggang Z sa paraang nakakabawas sa masamang epekto sa kapaligiran hangga't maaari. Sa buong panahong iyon, susuriin namin ang aming mga pamamaraan upang matiyak na naibibigay namin ang aming mga pangako at nababawasan ang inilalabas naming carbon.

Tingnan ang space na ito habang kinukunan ang lahat ng among mga pagsisikap sa isang eksklusibong mga behind the scenes na dokumentaryo, na idinidetalye ang mga hamon sa logistics sa pagbibigay ng world tour sa paraang nakakabawas sa masamang epekto sa kapaligiran hangga't maaari. Pero bago pa iyon, Viva la Vida.

ALAMIN KUNG SAAN SUSUNOD NA TUTUGTOG ANG COLDPLAY

Ireland

29-30 August, 1-2 September 2024

Dublin

Tingnan ang lahat ng mga petsa

Australia

30 October - 10 November 2024

Melbourne, Sydney

Tingnan ang lahat ng mga petsa

New Zealand

13-16 November 2024

Auckland

Tingnan ang lahat ng mga petsa

DISKARTE NAMIN PARA MABAWASAN ANG MASAMANG EPEKTO SA KAPALIGIRAN

Mas bibilisan ng Deutsche Post DHL Group ang pagpapatupad ng pinaplano nitong decarbonization sa kumpanya. Dahil dito, mamumuhunan ang Group ng kabuuang 7 bilyong euro (Opex at Capex) sa susunod na sampung taon sa mga hakbang upang bawasan ang inilalabas nitong CO2.

Partikular na gagamitin ang pondo sa mga alternatibong aviation fuel, ang pagpapalaki ng sero-emission na e-vehicle fleet at mga gusali na hindi nakakasama sa kapaligiran

Para sa target nitong zero emission sa 2050, na 4 na taon nang ipinapatupad, ipinapangako ng kumpanya ang bago, ambisyosong pansamantalang mga target

Your future, delivered

Check out your career options and how you can help to deliver sustainably.

I-FOLLOW KAMI!

DHL

Coldplay